250 Pinoy nurses kailangan sa UK

Ni Mer Layson/Pilipino Star Ngayon – Nasa kabuuang 250 nurses ang kailangan ngayon sa United Kingdom (UK) at ang job order (JO) nito ay ipinagkatiwala ng pamunuan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Concorde International Human Resource Corporation.

Ang Concorde na may POEA license No. 031-LB-020916-R ay magpapadala ng mga Pinoy nurse para lamang sa mga hospital sa UK.

Ang kuwalipikasyon ng nurse na hinahanap ay dapat nagtapos sa BS Nursing na may balidong lisensya sa PRC, may karanasan ng isang taon sa hospital, at may edad na 25-45.

Ang pasimulang sahod ay 17,000 pound kada taon at kapag nakapasa sa OSCE ay magiging 22,128 pound kada taon.

Ang sino mang interesaadong aplikante ay libre para sa tatlong taong visa, free air fare mula Manila patungo ng UK, dalawang buwang akomodasyon sa pagdating sa UK, libreng OSCE examination, libreng healthcare, immigration, at certificate of sponsorship at iba pa.

FULL STORY

Find more like this: UK

Leave a Reply

Pinoy Places
and Faces